Questions


August 2022 1 2 Report
Ang katarungan sa karaniwang kahulugan nito ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasang-aayon sa pahayag. *
b. Ang pamilya Dimagiba ay tumanggap ng tulong mula sa DSWD.
d. Masayang nanirahan ang mag-anak ni Cosme sa bagong gawang bahay.
c. Isang buwang sahod ang hindi nabigay kay Maria dahil nasunugan ang amo nito
a. Tinutustusan ni Aling Hilda ang kanyang anak sa pag-aaral.
2. Ano ang pangunahing prinsipiyo ng katarungan? *
c. Tutulong ang mga mamamayan sa mga mahihirap
b. Paggalang sa Karapatan ng bawat isa
a. Palaging makisalamuha sa kapwa
d. may ugnayan na namamagitan sa dalawang tao.
3. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makataungan? *
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa sa iba
b. Nagagabayan ng pamilya na lumaking may paggalang sa Karapatan ng iba.
c. Nakikinig sa mga utos ng magulang
d. Sabay-sabay na pagkain ng pamilya sa hapag-kainan
4. Bakit isinaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao? *
a. Binubuo ng tao ang lipunan
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
c. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan
d. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
5. Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa: *
a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa araw-araw.
6. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlupunan? *
a. Sundin ang batas trapiko at mga alituntunin sa paaralan
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
c. Igalang ang Karapatan ng kapuwa
d. Magsimba tuwing lingo
7. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? *
a. Nakatakda ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay
b. Ang mga itinakdang batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ito
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
d. Itinakda ang mga batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
8. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan? *
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ng mga ito sa katarungang panlipunan
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalag ang kailangan mo para sa iyong sarili
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa.
d. Nagtataglay ito ng mga nararapat na gawin sa iyong kapuwa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.