Ang Kaso ng Laguna de Bay Ang Laguna de Bay ay isa sa mga pangunahing mapagkukunan sa Luzon ng bangus, tilapia, at iba pang produktong dagat. Natutugunan nito ang pangangailangan sa pagkain ng mga naninirahan sa paligid ng lawa, Metro Manila, at mga kalapit na lalawigan. Noon, mga 334 kilo ng isda ang kanilang nakukuha sa bawat taon hanggang sa matutuhan ang makabagong paraan ng pagpapalaki ng isda. Nagkaroon ng mga palaisdaan sa lawa. Ang paggamit ng makabagong teknolohiyang ito ay nakapagtataas sa produksiyon ng isda ng hanggang 15,000 kilo sa bawat ektarya bawat taon. Gayunpaman, kailangang mapangalagaan ang lawa. Dahil dito, itinakda ng Sanggunian ng Pagpapaunlad ng Laguna de Bay (Laguna Lake Development Authority o LLDA) ang lawak na maaaring masakop ng mga palaisdaan. Ito ay hanggang 16,000 ektarya lamang. Subalit nagpatayo ng palaisdaan na higit ang sukat sa itinakda ng LLDA. Umabot na sa 34,000 ektarya ang nasasakupan ng mga itinayong palaisdaan sa lawa. Sa pangyayaring ito, ang mga may-ari na lamang ng mga palaisdaan ang nakikinabang at kumikita. Nawalan na ng hanapbuhay ang maraming maliliit na mangingisda sa lawa. Hindi na halos lumalaki ang mga isdang kanilang nahuhuli. Halos sa gilid na lamang sila nakapangingisda. Ang maraming daan o lagusan patungo sa laot ay nasarhan na ng mga palaisdaan. Bunga nito, nagkaroon ng kaguluhan sa dating matahimik na pook. Iba't ibang samahan ng mga mamamayan ang nagpakita ng pagtutol at tumuligsa sa hindi pagkakapantay-pantay ng karapatang ito sa paggamit ng lawa.
Pag-usapan natin
1. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
2. Ilang kilo ng isda ang kanilang nakukuha sa bawat taon bago nila natutuhan ang makabagong paraan?
3. Paano napataas ang produksyon ng mga isde
4. Anong ahensiya ang nagtatakda ng lawak ng lawa na maaaring masakop ng mga palaisdaan?
5. Ilang ektarya ang lawak na itinakda ng LLDA na gawing palaisdaan?
6. Bakit kailangang pangalagaan ang Laguna de Bey?
7. Bakit itinakda ng Laguna Lake Developmen Authoryty o LLDA ang lawak na maaring sakupin ng mga palaisdaan?
8. Bakit nagkaroon ng kaguluhan sa dating tahimik na pook?
9. Paano nawalan ng hanapbuhay ang karamihan sa mga maliliit na mangingisda?
10. Sa iyong palagay, tama ba na magpatuloy pa ang ganitong pangyayari? Paano ito pinagpasiyahan ng ating pamahalaan?
Answers & Comments
Answer:
blanalnapnakaheidbuejwiw
Answer:
1. Ang kaso ng Laguna de bay
2. 334 kilo
3. Napataas ang kilo ng isa dahil sa paggamit ng makabagong technolohiya.
4. Sanggunian ng Pagpapaunlad ng Laguna de Bay (Laguna Lake Development Authority o LLDA).
5. 16,000 ektarya
6. upang mas lalo pang lumaki ang mga isda
7. upang malaman kung gaano kalawak ang maaring sakupin ng palaisdaan.
8. dahil Iba't ibang samahan ng mga mamamayan ang nagpakita ng pagtutol at tumuligsa sa hindi pagkakapantay-pantay ng karapatang ito sa paggamit ng lawa.
9. nawalan ng hanap buhay ang mga mangingisda maraming daan o lagusan patungo sa laot ay nasarhan na ng mga palaisdaan
10.hindi, sapagkat maaari pang dumami ang mga taong maghihirap kung mawawalan na pa sila ng katiting na hanap buhay tulad ng pangingisda
Explanation:
sana makatulog :)