Ang Kapaskuhan sa Aming Barangay
Ang Pasko sa aming barangay ang isa sa pinakahihintay ng lahat. Makikita mo
sa bawat mamamayan ang galak at pananabik sa nasabing pagdiriwang. Ilang
araw pa bago ang Pasko ay abala na ang Barangay Palanit sa pagsalubong sa
Pasko. Halos lahat ng mga tao ay tulong -tulong na sa pagsasabit ng mga parol
sa mga poste.

Bawat tahanan ay may kanya-kanyang pailaw at may Christmas Tree na
nakahandang pailawan sa pagsapit ng Pasko. Pagsapit ng alas dose ng gabi ng
araw ng Pasko, na itinuturing pagsalubong sa pagkabuhay ng Panginoon, ang
bawat pamilya ay nagsasalo-salo ng kanilang Noche Buena. Nagaganap din dito
ang pagpapalitan ng regalo na siyang simbolo ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Pagsapit nang umaga ng Kapaskuhan, ika-25 ng Disyembre ay maraming
bata ang nakabihis na at handa nang pumunta sa kanilang mga ninong at ninang
upang tanggapin ang kanilang mga aginaldo, na maaring pera o kaya ay bagay.
Sa simpleng pagdiriwang na ito, naipadadama ng bawat kasapi ng pamilya ang
kanilang pagmamahal at pagbibigay sa bawat isa na siyang nagsisilbing diwa ng
Kapaskuhan.


Basahin at unawain ang kuwento sa itaas.Gumawa ng Tanong tungkol dito.

1.Ano………………………………………………………..?
2.Sino…………………………………………………………?
3.Saan………………………………………………………..?
4.Paano……………………………………………………..?
5.Bakit…………………………………………………………?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.