Questions


April 2021 1 58 Report
Ang Kambing at ang Lobo

Isang kambing ang nasa dulo ng bangin at kasalukuyang kumakain ng damo roon. Namataan siya ng lobo at nais sana siyang kainin, ngunit hindi nito magawang sunggaban siya sa takot na baka pareho silang bumagsak sa matarik na bangin.
“Ano’t nagtitiyaga ka sa maliit na damong kinakain mo riyan?” ang sabi ng lobo.”Bakit hindi ka rito sa baba kumain ng damo kung saan mas marami at mas luntian ang kulay?” panghihikayat nito.
Pero sa halip na matukso, ang kambing ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan at sinabing, “Aanhin ko ang luntiang damuhan kung ito nama’y nakatanim sa lupang kinatatayuan ng isang matakaw na lobong tulad mo na walang ibang hangad kundi ako ay lamunin?”

1. Ano ang ginagawa ng kambing sa dulo ng bangin?
2. Sino ang nakakita sa kanya?
3. Ano ang nais gawin sa kanya ng lobo nang makita siya nito?
4. Ano ang ginawa ng lobo upang siya ay bumaba sa bangin?
5. Bakit hindi natukso ang kambing na lumipat ng lugar?

6. Batay sa sinabi ng lobo kay kambing, paano mo siya ilalarawan?

7. Anong katangian meron si kambing batay sa kanyang pananalita?

8. Ano kaya ang naramdaman ni lobo sa sinabi ni kambing? Ipaliwanag.

9. Paano ninyo ilalarawan ang lugar kung saan nandoon si kambing at si lobo?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.