Questions


September 2021 1 38 Report
Ang inyong mababasa ay ilan sa mga liriko ng kantang “Anak ng Pasig “ ni Geneva
Cruz. Pero alam ba ninyo na ang Ilog Pasig ay hindi ganito ang hitsura kagaya ng
inilarawan sa awitin.
Sinasabing dati-rati , ito ay isang mahalagang ruta ng pangtransportasyon. Sa
habang 25 kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog na ito noon. Kahit si
Dr. Jose Rizal sa kanyang akda ay nabighani sa kagandahan ng ilog na ito.
Kasingganda raw dati ng Grand Canal sa Venice ang Ilog Pasig. Napapalibutan ito
ng berde at malalagong puno at halaman. Malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog
na ito. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng isda at buhay- dagat. Ito rin ang nag-uugnay
sa look ng Maynila sa Laguna De Bay. Ito rin ang nagsasala sa mga sobrang tubig
mula sa Laguna De Bay at iba pang labingtatlong ilog at estero ng Maynila.
Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animo’y lupa ang inyong nakikita sa tambak ng
basura. Nguni tang hindi maikukubling katotohanan, ito’y pawang naipong
basura. Npkarumi, nkakadiring tingnan at nakakasulasok ang amoy n naggaling sa
ilog. Halos wala ka nang makikitang buhay na isda sa ilog na iyan.
Ano ang dahilan ng ganitong kahihinatnan ng Ilog Pasig? Nagsimula ito ng magumpisang tirahan at tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Kahit
na may batas na nagbabawal sa ganitong gawain, maraming kompanya at
mamamayan ang hindi inalintana ang batas na ito. Hindi naglaon napabayaan at
inabuso ang ilog. Naging tapunan ito ng mga basura ng mga nakatira na malapit
dito. Dahil dito unti-unting umalis ang mga hayop na naninirahan sa ilog na,ang
iba nga , kasamaang palad ay namatay.
Ngayon may iba’t ibang ahensya ang itinatag upang buhayin muli ang Ilog Pasig.
Sagutin sa buong panungusap ang mga tanong.
1. Gaano kahaba nag Ilog Pasig?
2. Paano inilalarawan ng may-akda ang tubig na dumadaloy sa Ilog Pasig noon?
___________________________________________________________________
3.Sa anong ilog inihahalintulad ang kagandahan ng Ilog Pasig noon?
___________________________________________________________________
4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay?
___________________________________________________________________
5. Paanong nakakadiri, napakarumi at nakakasulasok ang amoy ng Ilog Pasig
noon?
_________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.