Ang Industriya ng Talaba
Ang talaba ay isang uri ng kabibe a shellfish na kung tawagin ay
bivalve mollusk Malambot at malaman ang katawan nitong natatakpan ng
dalawang magkataklob na talukap
Maraming mapangagamitan ang talaba. Mula sa laman nito ay
nakukuha ang maraming sustansiyang kailangan ng katawan upang lumusog.
Kabilang sa mga sustansiyang ito ang calcium, phosphorus, iron, iodine, copper,
vitamin A, thiamine, riboflavin, at ascorbic acid. Napakaraming protina at mineral
ang nakukuha sa talaba. Isa ring piling pagkain ang talaba sa mga handaan
Puwede itong kainin nang hilaw o luto at ito ay iniimbak o inilalagay bilang
preserved na pagkain sa mga bote at dinadala sa ibang bansa. Ang mga talukap ng
talaba ay maaaring gawing patubuan pang muli ng mga talaba o kayay gitingin
upang ipakain sa mga manok o itik. Ginagawa rin itong pintura, panghalo sa
semento bilang apog o lime, at pampaputi ng pader Ginagawa rin itong pataba at
gamot
Iba't iba ang paraan ng pag-aalaga ng talaba. Ang mga ito ay: stick o
tulos method, tray method, hanging method, at broadcast method
Ang kwentong ito ay hango sa aklat na Landas sa Wika 6, p. 213-214, na
isinulat ni Lydia B. Liwanag.
Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga sustansiyang makukuha sa talaba?
2. Anu-ano ang gamit ng talukap nito?
3.Anu-ano ang mga paraan ng pagalaga ng talabaw?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.