Questions


September 2022 1 7 Report
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan

Basahin ang kwento at sagutan ang mga tanong:

Ang Hukuman Ni Sinukuan (Mito mula sa Pampanga)

Si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat. Iginagalang siya ng mga tao. Iginagalang din siya ng mga hayop. May hukuman sa bundok Arayat at dito nililitis ang kaso ng mga hayop.

Isang araw, umiiyak na dumating si Martines sa hukuman ni Mariang Sinukuan. Sinabi nito na dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nasira ang kaniyang pugad at nabasag ang kaniyang mga itlog. Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Kabayo upang tanungin.

Sagot ni Kabayo, natakot ito sa pagkokak ni Palaka, na kaya naman komokak nang komokak dahil sa takot na mabagsakan ng bahay ni Pagong. "Kasi po, may dalang apoy si Alitaptap at natatakot akong masunog ang aking bahay,” ang paliwanag ni Pagong kay Mariang Sinukuan nang siya ay ipatawag nito.

“Bakit may dala kang apoy kagabi, kaya nagbuhat ng bahay si Pagong, kaya natakot at kumokak si Palaka, kaya dumamba nang dumamba si Kabayo, dahilan kay nabasag ang mga itlog ni Martines?” Ang tanong ni Mariang Sinukuan kay Alitaptap. Sagot ni Alitaptap, “Kasi po, kailangan kong magdala ng apoy para pananggalang laban kay Lamok na palipad-lipad at may dalang itak.”

Tinanong ni Sinukuan si Lamok. Ang sagot ni Lamok, "Kasi po, hinahanap ko si Talangka," “Kasi po, sinipit niya ako nang minsang magdaan ako sa kaniyang bahay. Mabuti at daplis lang ang sipit niya. Wala akong gulok na dala noon. Nang bumalik ako ay nagtago siya at hindi malaman kung saan nagpunta.” Dahil sa laki ng galit ni Lamok, wala sa loob na iwinasiwas niya ang dala- dalang gulok. Tinamaan si Palaka at kumokak nang malakas. Nagulat si Kabayo at dumamba nang dumamba.

Nagkani-kaniyang takbo sina Martines, Alitaptap, Pagong, at iba pang mga saksi. Nagulo ang buong hukuman ni Maria. Dito nagalit si Maria at ipinasiyang parusahan si Lamok. Nagpasiya si Mariang Sinukuan. Pinarusahan nito si Lamok na mabilanggo sa loob ng tatlong araw. Ipinagbawal din niya ang pagdadala ng gulok sa paglilibot ni Lamok. Pinagbayad din niya si Lamok sa mga nabasag na itlog ni Martines.

Pinayuhan si Martines na huwag nang gagawa ng pugad sa lupa. Natakot si Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala ng gulok. Pero patuloy pa rin siya sa kaniyang paghahanap sa kalabang Talangka.

Si Talangka naman ay lagi nang nasa butas at nagtatago kay Lamok. Kaya ngayon, pag may aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyong tainga, si Lamok iyon. At akala ay butas ni Talangka ang butas ng iyong tainga.

Tanong:
1. Kaisipan (Ano ang mensaheng inihatid?)

2. Aspetong Pangkultura (Paano ipinakita ng akda ang katutubong pamumuhay ng pangkat na pinagmulan nito?)

Mamarkahan ko ng Brainliest ang tamang makakasagot ng tanong na ito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.