Ang Gulong ng Buhay
Lumaking sunod sa layaw si Sabrina. Bawat nanaisin niya ay ibinibigay
sa kaniya. Gala dito, gala doon iyan ang laging ginagawa niya. Pinababayaan
na niya ang kaniyang pag-aaral. Hingi siya nang hingi ng pera sa kaniyang ama
na nagtatrabaho sa ibang bansa. Laman siya palagi ng mga malls, bili dito, bili
doon kahit hindi na niya kailangan ng damit ay binibili niya basta’t
nagugustuhan niya.
Subalit nagising nalang siya isang araw na iba na ang takbo ng kanilang
pamumuhay. Dahil sa napauwi ang kaniyang ama at nawalan ng trabaho,
nasundan pa ng unti-unting pagbagsak ng kanilang mga negosyo. Isa-isang
naibenta ng kaniyang mga magulang ang kanilang mga ari-arian para may
maipambayad sa kanilang mga pagkakautang. Nasimot ang kanilang ipong
pera sa bangko.
“Anak lilipat na tayo sa isang maliit na apartment, ibinenta na namin ng
papa mo itong bahay”, pagpapaliwanag ni Aling Selda sa kaniyang anak. Para
may ikabuhay, nagbukas ang kaniyang nanay ng isang maliit na tindahan sa
harap ng kanilang bahay. Ang kaniyang ama naman ay namasukan bilang
kargador sa malapit na pabrika ng sapatos. Walang magawa si Sabrina kundi
tanggapin ang panibagong pamumuhay.
“Magsisikap ako sa pag-aaral, iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan”, may
pagsisising bulong ni Sabrina sa sarili. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan
ay tumutulong si Sabrina sa kaniyang nanay sa pagtitinda sa kanilang
tindahan.
Sa paglipas ng panahon ay nakapagtapos ng kolehiyo si Sabrina at
nagkaroon ng magandang trabaho. Unti-unti na silang nakabangon at
nakalipat sa isang malaking bahay at nagkaroon na rin sila ng sarili nilang
pagawaan ng sapatos.

1. Ang alam ko na tungkol sa nabasa ay
____________________________________________________________________________
____________________________________________.
2. Pagkatapos kong mabasa ang teksto, nadagdagan pa ang kaalaman ko
tungkol dito. Natutuhan ko na
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________.
3. Dahil sa natuklasan ko o natutuhan mula sa binasa, nabago sa dati kong
kaalaman. Ito ay ang
___________________________________________________________


paki sagot po nagmamadali na kami pasahan na bukas

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.