Ang Etiko sa paggawa ay ang paniniwala sa moral na benepisyo, kahalagahan ng paggawa, at ang likas na kakayahan nitong palakasin ang pagkatao ng isang manggagawa. Subalit sa kabila ng kampanya para sa Etiko ng paggawa, marami pa ring mga manggagawa ang hindi seryoso sa kanilang gawain kaya hindi nakasusunod sa paman- tayang ito, kaya ang kalidad ng kanilang natapos na gawain ay mababa. Ayon kay Tan, V.L. (2000) sa kaniyang aklat na "Creating Excellence at Work," ang mga maling gawi sa paggawa ay malulunasan sa pamamagitan ng mga paraang kaniyang iminungkahi. Narito ang ilan: 1. 2. 3. Ang Etiko sa Paggawa Constancia Paloma 4. 2. 3. Maging iba ka. Umiwas sa mga maling gawi sa paggawa na ipinakikita ng karamihan sa isang gawain, hindi kailangang maging katulad ng iba upang mapatunayan na nakasusunod ka sa pamatayan at kalidad ng iyong produkto o serbisyo. Kailangan mo lang paghusayan ang iyong ginagawa. Tandaan mo lang na bawat isa sa atin ay may angking kakayahan na tayo lang ang mayroon. Maging una ka. Maaaring maipakita ang kahusayan sa pamamagitan ng pagiging una sa pagtapos ng gawain subalit tiyaking maganda ang kalidad ng produkto o gawain. Maging Pinakamabuti ka, pinakamagaling, at pinakamahusay. Ang gawaing may magandang kalidad ay pinaghuhusayan, pinagbubutihan, at pinagbubuhusan ng kakayahan. Dapat ibigay ang lahat ng makakaya sa lahat ng mga gawain. Dapat magkaroon ng mataas na pamantayan at pag- sikapang abutin ito o lampasan. Maging orihinal ka. Sikaping maging orihinal at hindi manggagaya kahit na sa iyong paligid ay usong uso ito. Umiwas na manggaya nang dahil sa layunin na mapadali lamang ang iyong paggawa. Isipin mo na lang na ang Pilipino ay lahing malikhain, at isa ka roon. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang kabutihang maidudulot kung ang mga tao ay gumagawa ng kaniyang mga gawain nang naaayon sa pamantayan? Bakit kailangang hangarin ang Excellence sa trabaho? Maipagmamalaki mo ba ang iyong mga gawa? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.