Questions


October 2023 0 1 Report
Ang Bunga ng Kasipagan
(Muling isinalaysay mula sa kuwentong Bagobo)
Noong unang panahon, nagtampo si Manama sa mga tao dahil nakalimutan na nilang magdala ng mga alay sa kaniya. Nawalan na sila ng utang na loob at hindi na nagpapasalamat para sa mga biyayang kanilang natatanggap. Nagpadala siya ng dilubyo sa lupa at nalunod ang lahat ng tao, maliban sa tatlong lalaki at tatlong babae na nakatira sa bundok. Iniligtas sila ni Manama upang may mag-alaga at magbungkal ng lupa. Isang gabi, kinausap ni Manama ang tatlong lalaki at tatlong babae sa kanilang mga panaginip. Sinabi niya sa kanila na sa umaga, bubungkalin nila ang lupa at tataniman ng mga butil na pagmumulan ng kanilang pagkain. Sa hapon naman, itatayo nila ang kanilang mga bahay at lilinisin ang paligid nito. Oras naman ng pahinga ang gabi. Hindi pinakinggan ng unang pares ng mag-asawa ang mga utos ni Manama. "Bakit tayo kikilos kung mayroon namang iba na maaaring gumawa nito?" At buong araw silang umupo sa ilalim ng puno at nanood habang nagbubungkal ng lupa ang kanilang mga kasama. Buong araw nilang inabangan ang pagsapit ng oras ng pahinga sa gabi. Pinili naman ng ikalawang pares na gawin lamang ang kalahati ng iniutos ni Manama. "Pagod na tayo sa pagbubungkal ng lupa nang buong umaga. Magpahinga naman tayo sa hapon." At pagsapit nga ng hapon, umupo sila sa ilalim ng puno at nanood habang nagtatayo ng bahay ang ikatlong pares. Tanging ang ikatlong pares lamang ang nagtrabaho mula umaga hanggang hapon. Tumigil lamang sila sa pagtatrabaho pagsapit ng gabi, gaya ng iniutos ni Manama. Nakita ni Manama ang lahat ng nangyari. Nagalit siya at muling kinausap ang tatlong lalaki at tatlong babae sa kanilang mga panaginip. Sa unang pares, sabi niya, "Dahil hindi ninyo pinakinggan ang aking utos, buong araw kayong magbabanat ng buto sa bukid at maging sa tahanan. Gagawin ninyo ang lahat ng iuutos sa inyo ng inyong mga kasama." Sa ikalawang pares naman, sabi niya, "Dahil kalahati lamang ng utos ko ang inyong sinunod at pinili ninyong magbungkal ng lupa, iyan ang inyong magiging tungkulin mula ngayon. Magtatanim kayo at mag-aani, subalit walang tutulong sa inyo sa loob ng inyong tahanan." At sa ikatlong pares, ito ang sinabi ni Manama, "Dahil ginawa ninyo ang lahat ng aking iniutos, mula ngayon ay hindi na kayo magbabanat ng buto. Kayo ang mga maharlikang mamumuno sa inyong kasamahan at gagawin nila ang lahat ng utos ninyo."
Balangkas ng Kuwento
Pamagat:
Tauhan:
Tagpuan:

Pangyayari
Simula:
Gitna:
Wakas:
Aral:

Nonsense = Is Automatic Report
Correct = Is Brainliest (if the answer's is all correct) ​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.