Ang Buhay sa Likod ng Pandemnya Mag-iisang taon na noong una nating naranasan ang pandemyang dulot ng corid 19. Masalimuot ang naging takbo ng pamumuhay dahil sa trahedyang naidulot nito Libong kapuwa Pilipino na ang yumao dahil sa sakit na dumapo at milyon na ang pumanaw sa buong mundo. Napakalaking pasakit ang kanyang hatid lalo na sa mga naging biktima ng naturang saldt. Mahirap ang naging takbo ng pamumuhay dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocol na siyang malaking naitulong upang mapangalagaan ang ating kaligtasan. Napakatindi ng hamon ng pandemyang ito hindi lamang sa larangan ng ating kalusugan, kundi sa ating ekonomiya sa bahagi ng ating kabuhayan. Pighati ang nadama ng mga kababayang nawalan ng mga minamahal sa buhay. Malungkot ang mga nawalan ng trabaho upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Naguluhan ang kaisipan ng nakararami lalo na ang mga pinagbawalang lumabas na mga bata maging ang mga senior citizens. Maagap na nagpatupad ng batas ang pamahalaan upang ang buong sambahayan ay mabantayan. Ang bawat isa ay buong tapang na hinarap ang pandemyang wala pang kalutasan. Mula sa mga lingkod ng pamahalaan, Tbinigay nila ang paglilingkod ng may kagalakan. Hindi ang sarili nilang interes ang kanilang pinapangalagaan kundi ng buong sambayanan. Matalinong nagdedesisyon ang ating mga opisyal na siya namang pagpapakumbabang sinusunod ng mga mamamayan. Nahihirapan man ang lahat ng tao sa kasalukuyan, naniniwala tayong ang pandemyang ito ay mayroon ding hangganan. Ang lahat ng tao ay mahinahon lalo na kung pagpapasiya ang pag- uusapan Napagtanto ng bawat isa, kayamanang taglay ay hindi ganoon kahalaga kung ang kalusugan naman ay nakataya. Sa ngayon, patuloy ang mga Pilipino sa pananalig sa Poong Maykapal, na ang lunas sa sakit na ito ay hindi na magtatagal. Pagtulong sa kapuwa ay sadyang umiral saan mang dako ng bansa ay iyong masisilayan, maliban pa sa ibang kapuwa-tao lubusang buhay ay iniaalay mailigtas lang ang ilang buhay.
mamayan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.