Ang Boyaning Kasambahay (Anekdota ni Apolinario Mabini) Pinag-uusapan sa Pilipinas ang kapakanan at benipisyong dapat maipagkaloob sa mga katulong o kasambahay, Katunayan may batas na para sila mapangalagaan at magamit ang kanilang mga karapatan. Alam mo bang si Apolinario Mabini, ang binansagang Dakilang Lumpo at Utak ng Himagsikan ay pumasok na katulong para lamang makapag aral Isang katawa-tawang pangyayari ang hindi malilimutan ni Pule (palayaw ni mabini) noong siya'y namasukang katulong sa isang mayamang familya. Isang umaga habang abala sa paglilinis ng bahay si Pule ay nakakita siya ng limang barya na nakakalat sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang mga iyon at ipinagtanong sa mga anak ng kanyang pinaglilingkuran kung sino ang nagmamay-ari. "Sa akin iyan." sabi ng panganay. "Kumonti kasi ang mga barya ko sa ibabaw ng aking mesa." "Aba, sa akin iyan. Hindi ko matandaan kung saan ko ibinaba ang sukli sa tinapay na binili ko kanina." sabi naman ng nag-iisang anak na lalaki. "Nagkakamali kayo," sabi ng bunso. "Sa akin ang mga baryang iyan. Sobra iyan sa mga bayang ibinigay sa akin ni Ama." “Hindi ko malaman kung sino talaga sa inyo ang nagmamay-ari ng mga baryang ito. Mas makabubuti kung ibabalik ko na lang sa dating kinalalagyan nito," sabi ni Pule. Hindi nakakibo ang magkakapatid habang ibinabalik ni Pule ang mga barya sa ilalim ng mesa.

question:
Bakit nalito si Pule kung sino ang may-ari ng barya?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.