Ang Batang Matulunga
Si Carla ay isang masayahing bata. Pinalaki silang magkapatid ng
kanilang mga magulang na mabuting anak. Masipag mag-aral si Carla dahil
lagi niyang sinusunod ang bilin ng kanyang magulang na mag-aral ng mabuti
kaya matataas ang kaniyang marka sa klase.
Kapag araw ng Sabado, tumutulong si Carla sa kaniyang ina sa pag-
aalaga sa kaniyang bunsong kapatid pagkatapos nitong gawin ang gawaing
bahay.
Tuwing araw ng Linggo, pumupunta ng simbahan ang pamilya ni Carla
upang magsimba. Pagkatapos nilang magsimba ay ipinapasyal sila ng kanilang
magulang sa parke.
Sa kanilang pamamasyal ay inutusan si Carla ng kanyang ina na
bumili ng sorbetes para sa kanyang bunsong kapatid nang mapansin niya ang
isang matandang babae na hirap sa pagtawid sa kalsada. Agad niya itong
nilapitan at tinulungan ang matanda sa pagtawid.
Nagpasalamat ang matanda sa ginawang pagtulong nito sa kanya.
Nakita naman ng kaniyang magulang ang kaniyang ginawa kaya natuwa ang
mga ito sa kaniya.
Masaya si Carla dahil nakatulong na naman siya sa kaniyang kapwa.
1. Anong katangian mayroon si Carla?
2. Ano-anong mga tungkulin ang ginampanan ni Carla?
3. Paano naipakita sa kuwento ang pagpapaubaya ng pansariling
kapakanan para sa kabutihan ng kapwa?
4. Paano maipapakita ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapwa?
5. Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.