Questions


September 2022 1 9 Report
ANG BATANG MATAPAT

Isang araw nagbigay ng isang takdang aralin si Bb. Cruz sa kaniyang klase upang magsaliksik tungkol sa mga bayaning Pilipino.

Pagkatapos ng klase ay dali-daling nagpunta si Juan sa silidaklatan upang maghanap ng mga babasahin tungkol sa mga bayani ng Pilipinas. Samantalang si Pedro ay naglaro muna sa palaruan at ipinagawa na lang niya ang kaniyang takdang aralin sa kaniyang kapatid na nagtatrabaho sa isang internet café.
Kinabukasan ay agad na ipinasa ng mga mga mag-aaral ang kanikanilang takdang aralin na agad din namang binigyang puntos ni Bb. Cruz.

Sa kadahilanang mas maayos, makulay at maganda ang ipinasang proyekto ni Pedro, siya ang nakatanggap ng pinakamataas na puntos sa kanilang klase.
Tuwang-tuwang ipinagyabang ni Pedro sa mga kaklase ang nakuhang marka. Malungkot man ay mahinahon namang tinanggap ni Juan ang hatol ng kanilang guro dahil alam niyang pinaghirapan niyang tapusin ang kaniyang proyekto sa sariling pagsisikap.

Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa proyektong ipinagawa ng guro na madali namang nasagot lahat ni Juan dahil siya mismo ang gumawa ng kaniyang proyekto sa pamamagitan ng pagbasa ng mga aklat sa silid-aklatan, samantalang si Pedro ay yuyuko-yuko upang hindi tawagin ng guro para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga bayani. Ngunit, anumang pagtatago niya ay 10 tinawag din siya ng kaniyang guro upang ibahagi sa klase ang kaniyang gawain. Napayuko si Pedro at inamin sa kaniyang guro na hindi niya kayang ipaliwanag ang kaniyang gawain dahil ipinagawa lamang niya ito sa kaniyang kapatid. Humingi ng tawad si Pedro sa guro at sa kaniyang mga kaklase.

Magmula noon ay napagtanto niya na lubhang napakahalaga ang maging matapat at pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.

1. Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa? *
2. Ano ang ginawa ni Juan pagkabigay ni Bb. Cruz ng kanilang takdang aralin? *
3. Sino ang mas tama ang ginawa? Bakit?__________ *
4. Ano ang mas mahalaga, magandang resulta pero hindi mo gawa, o hindi masyadong maganda ang gawa pero sarili mo ang gumawa? *
5. Paano mo pa mapagaganda ang sariling gawa? Bakit kailangan na maganda at magaling ang gawa natin? *

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.