Questions


October 2022 1 2 Report
Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang
lalaki ay may kapansanan, siya ay si Pepe. Malambot ang mga paa at mga
kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng
kanyang ina sa paglalakad. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung
magsalita siya ay mahirap maintindihan.
Kahit naman siya ay may kapansanan ay mahal na mahal ng mag-asawa si
Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya.
Hindi kinakitaan ng panghihina ang mag-asawa sa pag-aalaga kay Pepe.
Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak.
Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe
kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na

magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para ipahayag
sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos niyang patulugin
si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang
malaking mga hinanakit.
Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat
niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda
na ang kanyang paliwanag sa mga ito.
i Aling Mila

"Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang
kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso," isa-isang
tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak." Pero hindi naman namin kayo
pinababayaan hindi ba?"
Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Bakit nagseselos ang apat na kapatid ni Pepe sa kanya?
3. Ano ang ginawa ni Aling Mila para hindi magtampo ang mga kapatid ni
Pepe sa kanya?
4. Anong klaseng bata si Pepe at bakit siya lang ang inaasikaso ng
kanyang nanay?
5. Kung ikaw ang tatanungin, tama ba ang ginawa ng mga kapatid ni
Pepe sa kanya? Ipaliwanag.



Nonsense will be reported.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.