Questions


January 2022 1 13 Report

Ang Bagong Doktor
(Isinalin)
Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Luis. Ang katabi
bentilador ay tila bumubulong. Lumilikha ng ingay
kinainisan na rin ni Luis dahil para bang nagdaragdag pa ito ng
pasakit para sa kaniya. Sinindihan niya ang ilaw sa silid at agad na
tumambad sa kaniya ang gabundok na papel sa kaniyang mesa na
tila nakikipagtitigan pa sa kaniya. Umupo siya sa silya at sinimulan
niyang isa-isahin ang bawat piraso ng papel.
Kinaumagahan, maaaga pa'y bumangon na si Luis. Dahil
kulang pa sa oras ang kaniyang pagtulog, pakiramdam niya'y isang
napakalaking bato ang kaniyang ulo parang nakalubog sa
maputik na tubig. Tanging ang mainit na tubig pampaligo lamang
ang nakatulong sa kaniyang makabalik sa kaniyang diwa. Nagmano
na siya sa kaniyang nanay na siya namang nagwikang, "Kaya mo
iyan anak, gagabayan ka ng Diyos."
Ilang sandali pa, nasa loob na ng malawak na silid si Luis.
Sinimulan na ring ipamahagi ng guro ang mga papel sa pagsusulit.
Dinig ni Luis ang pagtambol ng kaniyang puso...nakabibinging
pagdagundong.
Taimtim na bumulong si Luis ng panalangin saka niya kinuha ang
kaniyang lapis. Nang simulan niyang buklatin ang mga pahina ng
pagsusulit, naramdaman niyang binibigyan siya ng lakas ng loob ng
mga ito. Unti-unting naalala niya sa kaniyang isipan ang lahat ng
kaniyang mga binása at pinag-aralan sa loob ng ilang buwan na
paghahanda. Sa paglipas ng ilang oras, walang sinoman sa silid ang
natinag at gumawa ng kahit na kaunting kaluskos ng ingay man
lámang
Mayamaya pa, isa-isa nang ipinapasa ng mga mag-aaral ang
kaniya-kaniyang papel sa guro. Ginamit namn ni Luis ang ilang
nalalabing minuto upang tiyakin na nakasagot siya sa bawat tanong.


ano ang buod Ng ang bagong doktor... psagot po please please asap po ung pong mtinong sgot sna Asap po kailangan k po kci​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.