Ang Ating Kalikasan ni Pilsen Kate E. Advincula Ang ganda ng ating kalikasan Kagandahan na tayong lahat ay gustong masaksihan Para sa kinabukasan nating mga kabataan Kaya't ating lahat na sikaping pag-ingatan. Kapaligiran natin ay panatiliing ligtas Mula sa malſit na insekto hanggang sa agilang matalas; Gubat ng yaman sa bundok matatagpuan Dapat nating protektahan, magpakailan pa man. Ang silbi ng kagubatan ay hindi matatawaran Nakasalalay ang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan Tirahan ng mga ibon, hayop, puno, at mga halaman Sariwang hangin binibigay, dulot ay katiwasayan ng isip at kasaganaan. Asul at malawak na karagatan Sa malalaki at maliliit na isda mayaman Sariwang pagkaing-dagat at pangkabuhayan Lahat ng ito'y ating makakamtan. Ang pagbabagong inaasam asam Kung nais nating lahat makamtan Kapaligiran, kalikasan halina't pagandahin Wag maging sakim at ito'y wag abusuhin. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong, Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bakit kailangang ingatan ang kalikasan? 2. Bakit maituturing na gubat ng yaman ang kabundukan? 3. Ano ang kabutihang naidudulot ng hanging malinis at sariwa? 4. Paano mo maipapakita ang tapat na pangangalaga sa kapaligiran?
Answers & Comments
Answer:
1)dahil ito Ang tirahan natin at ng mga hayop
2)dahil madami ditong mapagkukunan ng pangangailangan
3)Ito ay nagdudulot ng magandang kalusugan at kaginhawaan sa tao
4)magtutulungan sa paglilinis at tmang pagtatapon ng basura sa basurahan
Explanation:
Paki aayos PPo ng question nyo ang gulo