ANG ASO AT ANG KANIYANG ANINO Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kaniyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kaniyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino, Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ding buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
Tanong:
1. Ano ang nahukay ng aso sa lupa?
2. Bakit tumahol nang tumahol ang aso sa ilog?
3. Naiuwi ba niya ang butong kanyang nakuha sa lupa? Bakit?
4. Ano ang katangian ng aso?
5. Sa iyong palagay tama ba ang ginawa ng aso? Pangatwiranan.
Answers & Comments
Answer:
1. buto
2. nakita nya ang kanyang anino sa tubig sa pag aakalang ibang aso ito
3. hindi
4. matakaw haha
5. mali dahil nagpapakita ito ng katakawan :)
Explanation: