Questions


October 2022 1 46 Report
Ang Alamat ng Pinagmulan ng Bataan


Sagana sa isda ang mga tubigan at may malawak sa lupang sakahan. Maligaya at masagana ang pamumuhay ng mga katutubo sa ilalim ng pamumuno ng isang matapang at makisig na pinunong nagngangalang Vatan Dahil sa kanyang magagandang katangian, napamahal si Vatan sa kanyang nasasakupan. Nanaghili ang Diyosa ng karagatan kay Vatan, kaya isang araw ay pinaglaho niya ang mga isda sa karagatan Bilang kapalit ng isdang naglaho, hiniling ng Diyosa ang buhay ni Vatan. Hindi ito ipinagkait ni Vatan, manumbalik lamang ang masaganang pamumuhay ng kanyang nasasakupan. Nagtungo siya sa tabing-dagat, tulad ng utos ng Diyosa. At dito siya nawala. Sa pook na kanyang pinaglahuan lumitaw ang isang tangway na tinawag na Vatan. Sa pagdaan ng panahon, naging "Bataan" ang tawag sa tangway.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pamagat ng binasa mong alamat?
2. Sino ang pinuno na napamahal sa kanyang nasasakupan?
3. Sa iyong palagay, bakit kaya nanaghili o nagtampo ang Diyosa kay Vatan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.