Questions


December 2021 1 24 Report
Ang alamat Ng Mindanao


Si Sultan Kumpit ay isa sa naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya
ay matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil siya raw ay
masungit. Ang Sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya
ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng dalaga ay marami
ang nanliligaw ditto. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng
iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kanya-kanyang
katangian kung kayat nagpasyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan
Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na
makakaisang dibdib ng kanyang anak. Ang unang pagsubok ay kung sino
ang makapagsabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang ikasampung
salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng
ama, nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung
salin.
Ang ikalawang pagsubok naman ay kailangang malagpasan ang
kayaman ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Ngunit
ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Maramin ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok.Isa na rito
ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok ngunit
natalo sa ikalawang pagsubok. Nahigitan ng ginto ng hari ang kanyang
tatlong tiklis na ginto. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na
marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng
tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe ang nais sumubok. Ngunit bago niya ito
ginawa ay nag-isip siyang mabuti kung paano niya matatalo ang kayamanan
ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika
hanggang makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto.
Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang
nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay humanga
agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa si Prinsipe Lanao
sapagkat tiyak niyang may pagtingin din sa kanya ang prinsesa.
"o, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?* ang unang pagsubok ng
Sultan kay Lanao.
Mabilis na isinasalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na
itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip ng pangalan at nag-imbento ng
kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unangisang lubid sa may malalim na bangin Pang ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na Prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok ay bukas na natin itutuloy Umalis si Lanao na punung-puno ng pag-asa, Nagsanay siyang tumulay sab aging na sampayan, Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at sa laki ng kanyang pag-ibig sa binate ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang mga katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang pinag-uutos ni Minda sa kanyang katulong. Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Naging mahusay na pinuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya tang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda- Lanao na di nagtagal ay naging Mindanao.

1. Saan Ang tagpua ng kwento?
2.Saan Ang tagpuan ng kwento?
3.Ano ang banghay Ng kuwento? kuwento?

Paano nagsimula ang kuwento?

Ano ang suliranin ng pangunahig tauhan?

Paano nabigyan Ng solusyon Ang suliranin ng pangunahing tauhan?

Ano Ang naging resulta ng solusyon ng kanyang suliranin?

Ipaliwanag paano nagtapos Ang kuwento.

salamat po sa pag-sagot god bless you po​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.