Questions


August 2022 1 0 Report
Ang Alamat ng Makahiya
Sa di kalayuang bayan nakatira ang Datu na si Makan Isa siyang malupit na Datu. Palagi
niyang pinaparusahan ang sinumang nagkakasala at lalabag sa batas niya. Kasarna niyang
nainirahan ang kanyang anak na si Maria. Maganda at mabait di tulad ng kanyang ama. Palagi
lamang itong nasa bahay. Isang araw, tumakas siya at nagpunta sa kakahuyan. Doon niya
nakilala ang binatang si Makisig. Nagkaibigan silang dalawa kaya palagi ng tumatakas si Maria.
Napansin ito ng Datu at minanmanan ang anak. Nalaman niya na ito'y may katagpo kaya naman
ito'y kaagad na pinahuli sa kanyang mga kawal. Pinarusahan niya ng pagkabilanggo ang sarili
niyang anak at si Makisig naman ay itinakdang bibitayin.
Isang araw, may naligaw na isang matandang babae sa kanyang tahanan. Humingi ito ng
tubig sapagkat ito'y nauuhaw. Ngunit hindi ito pinansin ng Datu. Sinundan ng matanda ang Datu
at sa sobrang galit ng Datu ay pinagbuhatan nito ng kamay ang nauuhaw na matanda.
Napasubsob ang matanda ngunit sinundan parin niya ang Datu at Nakita niya ito sa isang
tanghalan kung saan bibitayin si Makisig at Nakita rin niya si Mariang umiiyak. Sa tagpong iyon,
nilapitan ng matanda si Makisig at itinulak ang dalawang kawal Nagpakilala ang matanda bilang
isang Diwata. Nagkumpas ng kamay ang Diwata at biglang lumiwanag. Biglang may tumubong
halaman sa kinatatayuan ng Datu. Lumapit si Maria upang hawakan ito ngunit biglang tumiklop
ang halaman. Iyon ay naging parusa ng Diwata kay Datu. Tinawag itong Makahiya dahil sa
tuwing hahawakan ito ay tumitiklop.
Mga tanong
1. Ano ang tinutukoy sa alamat?
2. Anong uri ng lider ang Datu? Malupit.
3. Sino ang nagtatago sa kakahuyan?
4. Ano ang katangian ni Maria bilang anak ng isang Datu?
5. Sino ang pinagbuhatan ng kamay ng malupit na Datu?
6. Ano ang ginawa ng Datu sa kaniyang anak?
7. Ano naman ang naging pataw na parusa kay Makisig?
8. Sino ang nagpakilalang ina ni Makisig?
9. Bakit pinatawan ng parusa ng Diwata si Datu ,ang ama ni Maria?
10. Sa iyong palagay, ito ba ay nangyari sa totoong buhay?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.