Questions


October 2022 1 6 Report
Ang alamat ng Capiz ay nagsimula sa panahon ng kastila sa pagitan ng diyalogo ng isang kastila at isang babae.
Sa paglalakbay ni Heneral Alejandro dela Cuesta kasama ang kanyang mga kawal sa kabisayaan ay nakita niya ang isang babaeng naglalaba sa isang batis kasama ang kanyang dalawang anak. Nakita ng babae ang mga kastila at ng dahil sa takot, siya ay dali-daling nagtatakbo palayo kasama ang kanyang dalawang anak. Subalit hinabol ni Heneral dela Cuesta ang babae at magalang siyang nagtanong kung ano ang pangalan ng lugar na kanyang kinaroroonan sa wikang kastila. "Como, es ilama eta provincial?" wika ng heneral na ang ibig-sabihin ay "Anong pangalan ng lugar na ito?". Hindi naintindihan ng babae ang tanong sa kanya at siya ay sumagot ng "Capid... Capid..." na ang ibig-sabihin ay "kambal" sa wikang bisaya. Ito ay sa pagaakalang ang tanong ng heneral ay "Bakit magkamukha ang dalawang bata?".
Buhat noon ay tinawag na ng mga kastila ang lugar na yaon ng "Capid". Sa kalaunan ay naging "Capiz" ito sapagkat mahirap bigkasin para sa mga kastila ang salitang "Capid".

2 Sino-sino ang nakita ng Heneral sa batis?
3. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Heneral sa istorya?
4. Saan hinango ang pangalang Capiz? Ano ang naging kuwento nito?
5. Kailan naganap ang kuwento?
6. Bakit pauli-ulit na binanggit ang salitang "Capid" sa istorya? Ano ang ibig sabihin nito?
7. Paano naging kapis ang katawagan ng lugar?
8. Ano ang aral na nakuha sa alamat na ito?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.