Questions


October 2022 1 1 Report
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang
Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga
sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni
Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya
ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang
napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa
taong kaniyang iniirog.isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas
at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga.
Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga.
Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso
siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis
na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya't
niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napaibig sa matapang
na lalaking nagligtas sa kaniya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang
dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay
naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama
ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi
papayag si Magayon na pakasal sa kaniya. Dahil mahal ni Magayon ang
kaniyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni
Pagtuga
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili
upang pakawalan nito ang kaniyang ama. Napag-alaman ni Panganoron
ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kaniyang mga matatapang na
mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang
kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong
makita ni Magayon na napatay ng kaniyang kasintahan ang kalaban ay
dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man
magkalapit ang dalawa ay isang ligaw na sibat ang tumusok sa likod
ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si
Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang
nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na
katawan nila Magayon at Panganoron. Humukay ito at inilibing na
magkasama ang magkasintahan.
flang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang
libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa.
Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang
prisisesang # Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na
dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng
pagmamahalan nilla Magayon at Panganoron.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.