Questions


August 2022 1 4 Report
Ang Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito
makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina
Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya
habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
18
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya’y si Ampalaya.
Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa’y salat siyang
talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni
Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa
balag niya ay binubulyawan niya. “Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo
kailangan! Layas!” Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng
Sariwa.
Isang maalinsangang gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak
ni Ampalaya. “Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng
ibang mga gulay!” bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga
gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang
kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din
niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin
niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni
Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas,
ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda!
Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!” sabi ni Ampalaya sa sarili.
Kinabukasan, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap.
Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang
dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba’t iba ang
kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay
talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya’t
kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok
sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isaisang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila
nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si
Ampalaya!
19
Isinakdal sa harapn ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasustasustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang
lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng
Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
“Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at
ganda ng Kalikasan!” sigaw ng diwata ng Araw.
“Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas
ng Kalikasan,” bulong ng diwata ng Lupa.
“A-ampalaya, ikaw ay parurusahan…” hikab ng diwata ng Tubig.
“Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga
kasama mong gulay ay mapapasaiyo na,” ugong ng diwata ng Hangin.
“Parusa ba ‘yon? Ano bang klaseng parusa ‘yon?” buska ng bugnuting si
Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga
lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing
iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob
ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang
kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan
ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan
ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging
kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit
masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Pero alam n’yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n’yo siyang makita sa
inyong pinggan, subukan n’yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga
kasalanan.
1. Saang bayan naninirahan ang lahat ng uri ng gulay?
2. Sino-sino ang makikitang naghahabulan sa bayan ng Sariwa?
3. Sino-sino ang nagpapatintero? Nagtataguan? At nagluluksong- baka?
4. Ano ang unang katangian ni Ampalaya?
20
5. Ano ang balak gawin ni Ampalaya?
6. Ano-ano ang mga katangian ng mga gulay ang ninakaw ni Ampalaya?
7. Paano nalaman ng mga gulay sa si Ampalaya ang kumuha ng kanilang mga
katangian?
8. Ano ang naging parusa ng Diwata ng Hangin kay Ampalaya?
9. Sa iyong palagay, tama ba na nagging mainggitin si Ampalaya? Bakit?
10. Kung isa ka sa mga hukom na maglilitis kay Ampalaya, ano ang sasabihin mo
sa kanya?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.