Questions


October 2022 1 2 Report
Ang Aking Pinahahalagahan at Nalinang na Birtud


Pitong magkakapatid sina Joven. Gumagawa ng banig ang kanyang ina samantalang walang permanenteng trabaho ang kanyang ama dahil sa karamdaman nito. Dahil sa kahirapan hindi sila nakapagpagawa ng isang disenteng bahay. Tagpitagpi ang dingding nito, bagamat yero ang bubong ay may mga butas. Masikip para sa siyam na tao ang maliit na espasyo ng bahay na nagsisilbing sala, kusina, kainan at tulugan ang buong kabahayan. Sa gabing maulan, magugulantang ang pamilya sa buhos ng ulan sa kanilang higaan kaya’t inuumaga silang nakaidlip nang nakaupo habang nakapayong at kalong ang nakababatang kapatid. Sa umagang may pasok sa eskuwelahan, bagama’t hindi siya napakaaga hindi naman siya nahuhuli mula sa isa at kalahating kilometrong paglalakad mula sa kanilang bahay hanggang sa eskuwelahan. Malinis siyang manamit kahit pa nag-iisa lamang ang kanyang pantalon at polo na pampasok na kailangan niyang labhan sa hapon upang magamit niya kinabukasan. Ipinagpapasalamat niya na mayroon siyang isang pares ng sapatos na bigay ng kaibigan ng kanyang ama. Sa tanghalian, nakakaraos ang kanyang pagkain mula sa tirang baon ng kanyang mga kaklase na ibinabahagi sa kanya. Sa kabila nang lahat ng ito, masayahin, masigla at puno ng buhay si Joven. Matalino, nangunguna sa talakayan, matataas ang marka at magaling na pinuno. Hindi mababakas sa kanya na pinagdaraanan niya ang mga sakripisyong nabanggit dahil sa kanyang positibong pagtingin sa buhay. Dahil sa angking talino sa pagguhit, binabayaran siya ng kanyang mga kamag-aral sa drowing na pinapagawa nila. Dahil matalino, nagpapaturo ang mga anak ng kanilang kapitbahay sa kanilang mga aralin at inaabutan siya ng mga magulang nila ng kaunting halaga. Sampung piso man ito o limampung piso, ibinibigay niya ito sa kanyang ina pandagdag sa kanilang gastusin. May mga araw na walang pasok na kailangan niyang magmaneho ng “sikad-sikad “(pedicab na de padyak) para matulungan ang pamilya at matustusan ang ilang pangangailangan sa pag-aaral nilang magkakapatid. Niyaya din siya ng kanyang mga kaibigan sa ilang mga lakaran subali’t mas pinipili niya ang makauwi agad at makatulong sa kanyang ina at magawa ang mga gawain. Ang liwanag na tumatagos mula sa siwang ng kanilang dingding na nagmumula sa ilaw ng kanilang kapitbahay ang tanging tanglaw nila sa gabi. Wala man silang mesa at upuan, hindi ito sagabal sa kanyang pag-aaral. Kahit minsan hindi siya pumasok ng klase nang hindi gawa ang takdang aralin at walang proyekto. Ang poste ng ilaw sa kalyeng malapit sa kanilang bahay ang naging saksi ng kaniyang pagpupursigi.


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.