Ang aking ina
Gaya rin ng iba, ang ina kong giliw
Ay inang mayumi’t lubhang maramdamin,
Inang hindi yuko sa mga hilahil,
Inang mapagbata at siya kong virgen.
Mayrong isang Diyos na kinikilala,
May isang dakilang pananampalataya,
Sa kanya ang madla’y kulay ng umaga,
Ang galit ay awa’t sa poot ay tawa.
Siya ang dakilang Batas sa tahanan,
Kamay na masipag, Kampana ng buhay,
Susi ng pag-ibig na kagalanggalang.
Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti,
Ang dukha’t mayaman ay kapuripuri
Palibhasa’y inang may puso’t pagkasi.
HANAPIN ANG MGA SIMBOLISMO AT MGA MATATALINGHANGGANG SALITA
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Mga simbolismo:
"Ina" - simbolismo ng pagmamahal, pangangalaga, at pag-aalaga
"Diyos" - simbolismo ng kapangyarihan at kabanalan
"Kampana ng buhay" - simbolismo ng pagkakaisa at pagpapakatatag sa buhay
"Susi ng pag-ibig" - simbolismo ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga tao
"Kulay ng umaga" - simbolismo ng pag-asa at panibagong simula
Mga matatalinhagang salita:
"mayumi't lubhang maramdamin" - makahulugang paglalarawan sa inang mahinhin at sensitibo
"hindi yuko sa mga hilahil" - makahulugang paglalarawan sa pagiging matatag at di nagpapadala sa mga hamon ng buhay
"mapagbata" - makahulugang paglalarawan sa pagiging malakas at matiisin
"virgen" - makahulugang paglalarawan sa pagiging purong kalooban at di nasasakal ng mga makamundong bagay
"pawang mabuti" - makahulugang paglalarawan sa pagiging malinis at matuwid ang mga gawain
"kapuripuri" - makahulugang paglalarawan sa pagpapahalaga at pagbibigay ng respeto sa mga tao.
— ganyu was here (´ᗜ`)