5. Sa wikang Ilokano, mayroon tayong ibang pagkakabigkas ng salitang /met/. Alin sa mga sumusunod na katangian ng wika ang naglalarawan sa pahayag? A. sinasalitang tunog C. natatangi B. malikhain D. komunikasyon
Ang katangian ng wika na pinapahayag ay ang sinasalitang tunog
Explanation:
Maraming pagpapaliwanag tungkol sa kahulugan at katangian ng wika. Isa sa mga ginagamit na batayan sa paglalarawan ng kahulugan ng wika ay ang pagpapakahulugan ni Henry Gleason na ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Isa sa mga katangiang kanyang binanggit ay ang sinasalitang tunog. Ang tunog na tinutukoy ay iba sa mga tunog na naririnig natin sa ating paligid tulad ng sa radyo, telebisyon, cellphone, hayop at iba pa. Ito ay mga tunog na ating nalilikha sa pamamagitan ng ating mga speech organ tulad ng dila, labi, ngipin, ngala-ngala at iba pa.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

Iba pang katangian ng wika ay maaaring mabasa rito brainly.ph/question/4306285
#BRAINLYFAST