Questions


August 2022 1 2 Report
Alin sa mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain ang TAMA O MALI? Isulat ang iyong sagot sa patlang nakalaan.
______1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
______2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng hairnet o bandana sa ulo.
______3. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting tubig kung muli itong titikman. Iwasan ang sobrang patis, asin, suka, o betsin.
______4. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto upang maiwasan ang abala.
______5. Hindi na kailangan linisin ang prutas, gulay, isda, at karne bago balatan at hiwain.
______6. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kutsilyo.
______7. Hayaang magkalat ang basura sa lugar na paglulutuan.
______8. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw, pagkatuyo, o pagkasunog.
______9. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin ang pot holder para maiwasan ang pagkapaso.
______10. Ilagay sa medium low ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo na, magpapatuloy pa rin ito sapagkulo kahit mahina na ang apoy.
______11. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin o tama lang sa mag-anak.
______12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan upang maiwasan ang pagkadurog o pagkalamog at di mawala ang sustansiya.
______13. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
______14. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan ito.
______15. Hayaan at hindi iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto, pati ang lugar na pinaggawaan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.