Questions


December 2022 1 1 Report
ALAMIN NATIN

ANG KUWENTONG-BAYAN

Ang mga KUWENTONG-BAYAN ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pagsalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o kaya'y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mgs diyos at diyosa, mga anito, diwata, enkanto, sirena, siyokoy at iba pa. Masasalamin at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ay makapanlibang ngmga mambasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito y kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong-bayanang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba't ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita, kaya't minsa'y binabago ng sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan bagama't nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan nangyayari ang kuwentong-bayan.

Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng kuwentong-bayan lumaganap sa iba't ibang panig ng bansa at kilalá pa rin ng madla hanggang sa kasalukuyang panahon.

• Mga Kuwentong-Bayang Tagalog

° Si Mariang Makiling

° Si Malakas at Si Maganda

° Mga Kuwento ni Juan Tamad

• Mga kuwentong-Bayan sa Bisaya

° Ang Bundok ng Kanlaon

° Ang Batik ng Buwan

• Mga Kuwentong-Bayan sa Mindanao

° Si Manik Buangsi

° Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy

° Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama, at ang Munting Ibon

° Si Usman, Ang Alipin


GAWIN NATIN

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-anong kuwentong-bayan ang narinig o nabasa mo na?

2. Ano-ano ang mga katangian ng isang kuwentong-bayan?

3. Bakit sinabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig ng kuwentong-bayan?

4. Kung ihahambing sa mga panoorin o babasahin sa kasalukuyang panahon, saan pinakamalapit ang paksa at ang mga katangian ng kuwentong-bayan? Magbigay ng patunay.

5. Paano lumaganap ang mga kuwentong-bayan? Paano nakaapekto ang paslita o pasalinding paglaganap ng ,ga ito sa pagkakaroon nito ng iba't ibang bersiyon?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.