Sa isang liblib na baryo ay may nakatirang mag-ina, nagngangalang Aling Rosa at Pinang.
Si Pinang ay sunod sa layaw dahil nag-iisang anak lamang siya. Ang katwiran ni Aling Rosa ay bata pa naman ang anak, matututo rin ito ng mga gawaing bahay pag ito ay nagdalaga. Ngunit, hindi ito nangyari dahil nang maging dalagita ang anak ay naging tamad ito.
Isang araw ay nagkaroon ng sakit si Aling Rosa, hindi siya makabangon sa kama. Inutusan niya ang anak na paglutuan siya ng makakain. Nagluto si Pinang ng lugaw, ngunit nasunog ito dahil sa kapabayaan niya. Hinain niya pa rin ito sa kanyang ina. Nadismaya si Aling Rosa at nais magreklamo ngunit inisip niya na lamang na kahit papaano ay pinagsisilbihan siya ng anak.
Minsan ay nagluto muli si Pinang para sa ina. Umiral ang katamaran niya kaya ang mga gamit sa kusina ay hindi niya hinahanap, lagi niyang itinatanong sa ina kung nasaan ang mga ito. Nainis si Aling Rosa kaya sinabi niyang sana tubuan na lamang ng maraming mata ang anak upang mahanap nito ang mga hinahanap niya.
Umalis si Pinang. Madilim na at hindi pa rin siya nakababalik. Napilitang tumayo si Aling Rosa upang maghanda ng makakain dahil nagugutom na siya.
Ilang araw ang lumipas at hindi pa rin nakababalik si Pinang. Nagtanong ang ina sa mga kapitbahay kung nakita ba nila si Pinang ngunit wala raw silang nakitang Pinang kahit saan.
Sa bakuran naman ay may tumubong halaman na inalagaan ni Aling Rosa. Nagulat siya nang makita na ang bunga nito ay tila maraming mata. Naisip niya ang nawawalang anak na si Pinang at ang sumpa na binanggit niya rito.
Ang bunga nito ay ipinamahagi niya sa mga tao, kinukwento rin niya kung paano siyang nagkaroon ng ganitong halaman. Sa paglipas ng panahon ay tinawag na pinya.
Puntahan ang link na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa tunggalian sa Alamat ng Pinya:
Answers & Comments
Verified answer
Buod ng Alamat ng Pinya

#SPJ2