Questions


December 2022 1 2 Report
Alamat ng Mangga Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit. Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag- asawa na pagalingin ang anak, lumubha pa rin ang kanyang kalagayan hanggang sa siya'y bawian na ng buhay. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang Diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben. Ibinaon ng Diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

Panuto: Mula sa binasang kwento, tukuyin ang mga grupo ng salita na kaugnay sa mga sumusunod.

1. Tao:

2. Pag-uugali:

3. Kilos:

4. Lugar:

5. Prutas:​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.