“Alamat ng Keyboard”
Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang grupo
ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas namumuno upang mapaunlad ang
kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra, “Dapat tayo naman ang mamuno sa ating
bayan! upang magkaroon ng pagbabago at mas mapaunlad natin ang ating bayan. Lagi na
tayong alipin dito!” Dahil dito, naglunsad ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga letra laban sa
pamumuno ng mga numero. Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila.
Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw ang
pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan.
Pilit na pinagaayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin
nilang mag-ayos. Sa galit ng Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na maging
keyboard sa ibang paaralan, esteblisyemento at marami pang iba.
Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa kwentong binasa. Kung hindi lubos nauunawaan ang mga tanong maaring balikan ang kwentong binasa.
1. Ano ang pamagat ng alamat?
2. Sino ang dalawang grupong nabanggit sa kwento?
3. Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga kwento?
4. Bakit nagalit ang Inang Diwata?
5. Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng dalawang grupo?
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. alamat ng keyboard
2.grupo ng mga numero at letra
3.dahil lagi na lamang silang alipin
4.dahil sila ay nagkakagulo
5.sila ay isinumpa ng diwata