Questions


February 2022 1 1 Report
Alamat ng Bundok Kanlaon
(Negros Occidental)
Natatangi sa Negros ang barangay ni Datu Ramilon dahil sa kanyang kahanga-
hangang katapakan at kabaitan. Dagdag pa sa pagiging bantog ng datu ang
pagkakaroon ng napakaandang anak na nagngangalang Kang. Hindi tumututol si Datu
Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kanyang anak dahil sa siya ay maunawain
at mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing" ang lalaking maibigan ng
aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kanyang kapasyahan
kung ito ang kanyang ikaliligaya."
Sa dinami-dami ng mangingibig ni kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng
isang raha sa kalapit nilang barangay. Isang araw, naglakas loob ang magkasintahan
na magtapat
"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon.
“Magsalita ka, binata," tugon ng datu. "ano ang iyong pakay?"
"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibgan ni Kang."
Pagtatapat ni Laon
"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon.
"Humanda kayo at idaraos natin ang inyong kasal sa kabillugan ng buwan"
Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapagkainan sa
masasarap na pagkain bilang pagsalubong sa pagtatalingpuso nina Kang at Laon.
Subalit, hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang
malakas na tinig ng isang kawal.
"Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni
Datu Sabunan!"
Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya
itong sumugod sa barangay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina
Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal
ang mga kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang palad ay nalipol
ang pangkat ni Datu Ramilon, kabilang sina Kang at Laon.
Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na
magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng
magkasintahan
“Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi nang isang
kawal.
"Oo nga at tila mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa kausap
Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag
ito ng mga tao na bundok nina Kang at Laon. Subalit sa paglipas ng panahon, ito ay
kinilalang bundok ng Kanlaon.

Yan po yung kwento pa answer po.

#BRAINLY
#BRAINLIETS​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.