(Alamat ng Bundok kanlaon)

Nagtatangi sa Negros ang barangay ni Datu Ramilon dahil sa kanyang kahanga-hangang katapangan at kabaitan. Dagdag pa sa paggising bantog ng datu ang pagkakaroon ng mapakagandang anak na nagngangalang kang.
Hindi tumutol si datu ramilon sa pamimintuho ng kalakihan sa kanilang anak dahil sa siya ay maunawain at mapagmahal na ama. Madala nga niyang sinasabing ang lalaking maibigan ng aking anak na si kang ay hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya. Sa dinadami ng mangingibig ni kang ang nagkapalad ay si laon na anak ng isang raha sa kalapit nilang barangay. Isang araw, naglakas loob ang magkasintahang magtapat.
" Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni kang kay datu Ramilon.
" Magsalita ka, binata, "Tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"
"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pagiibigin ni kang." Pagtatapat ni Laon.
" Wala kang aalahanin, " sagot ni Datu Ramilon. " Humanda kayu at idaraos natin ang iyong kasal sa kabilugan ng buwan."
Naghandog ni laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapagkainan sa masasarap na pagkain bilang pagsalubong sa pagtataling-puso nina kang at laon.
Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na tinig ng isang kawal. "Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu Sabunan!"
Si Datu Sabunan ng palawan ay masugid na manliligaw ni kang. Nagpasiya itong lumusob sa Barangay ni Datu Ramilon Sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina kang at laon. mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon, kabilang sina kang at laon. Sa tibay na pagiibigan nina kang at laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng magkasintahan. "Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina kang at laon!" nasabi ng isang kawal. " Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito, ayon naman sa kausap.
Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga Tao na bundok nina kang at laon subalit sa paglipas ng panahon, ito ay kinialang bundok ng kanlaon.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Ang mga patulong sa tauhan?
2. Paano mo ilalarawan ang pangunahing at pantulong na tauhan sa alamat?
3. Ano ang suliranin ng kahariang pinamumunan ni Datu Ramilon?
4. Paano nasolusyunan ni Datu Ramilon ang suliranin?
5. Paano nagwakas ang alamat?

paki sagot ng maayos po I I brainleast ko​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.