Questions


September 2022 2 0 Report
Alam mo na ba? Ang balagtasan ay isang pagtatalong patula na isinilang noong Panahon ng mga Amerikano. Maituturing itong higit na sopistikado kaysa karaniwang debate. Sa karaniwang pagtatalo, madaling nakakapagsalita ang isang kalahok dahil tuloy-tuloy na pangungusap lamang ang kaniyang gamit Inaasahan din na ang mga lalahok dito ay gagamit ng piling salita na masining at matalinghaga at hinanay ng patula (sukat, tugma, at indayog). Ang mga sumusunod naman ay ang mga mahahalagang tauhan na bumubuo sa isang balagtasan: 1. Lakandiwa - siya ang nagpapakilala ng paksang pagtatalunan. Siya rin ang namamagitan sa magkatunggaling panig at nagbibigay ng hatol kung sino ang nagwagi. 2. Mga Mambabalagtas - sila ang mga makatang nagtatalo sa balagtasan Layunin ng mambabalagtas na mag-isip at sumulat ng mga makabuluhang argumento at higit sa lahat ay mahikayat ang mga manonood. 3. Mga Manonood - sila ang sumasaksi sa balagtasan. Inaasahan na sila ay makikinig ng may panuring pag-iisip upang kanilang mapalalim ang kanilang kamulatan ukol sa isyu na pinagtatalunan. Sukatan din ang kanilang palakpak at hiyawan upang malaman kung sino ang kanilang pinapanigan. Ngayong nabasa mo na ang kahulugan ng balagtasan at ang mahahalagang tauhan nito, nais kong malaman kung ano ang iyong nauwaan ukol dito. BALAGTASAN​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.