Alagaan ang Kalikasan

Si Inang Kalikasan wari ko ba’y nagdaramdam
sa bawat isa sa ating bahagi ng kinapal.
Kaya’t huwag nang hintayin ang ganti niya ay dumatal
pagkat tayo’y masasawi, lahat ay mapaparam.
Nang unang panahon kay gandang pagmasdan,
Luntiang bundok, dagat nating bughaw,
Masarap na tubig, galing sa batisan,
Pati sariwang hangi’y preskong nararamdaman.
Noon, sabi nila’y malulusog ang tao,
Dahil kalikasa’y alagang totoo,
Pero bakit ngayon sakitin na tayo?
Sino ang may sala sa pangyayaring ito?
Anong mapapala kung magsisishan?
Polusyon sa paligid, mahinang katawan,
Humanap pa tayo ng mga paraan,
Upang mapaganda natin ang kinabukasan.
Kalbo man ang bundok, may pag-asa pa rin,
Kung magbubuklod tayo na ito’y sagipin,
Lahat ng mamamayan ay hikayatin natin,
Ating pagtulungang muli ang pagtatanim.
Ang basura nati’y huwag nang itambak,
Huwag ding ipaanod sa ilog at dagat,
Sakit pa ang dala kapag dumi’y kumalat
Itapon nang tama nang hindi mapahamak.
Problema sa plastic at lasong kemikal
Pag-isipang mabuti amg solusyon diyan
Sa ozone layer panganib din naman,
Kung mali ang paggamit ng nasabing kalakal.
Pangalagaan natin ating kalikasan
Buhay mo’t buhay ko’y ditto nakasalalay
Ating pagtulungan maibalik ang buhay
Ng biyayang handog sa sangkatauhan

5

-Ray John T.Julian

1. Ilahad ang ginawang paglalarawan ng may-akda sa kapaligiran o ang
kalagayan ng kalikasan noong unang panahon.
2. Bakit sinabi ng may-akdang higit na malusog at hindi masakitin ang mga tao
noon kaysa sa kasalukuyang panahon?Sumasang-ayon kaba rito?
3. Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang dahilan nito?
4. Ano-anong kalamidad o mga suliraning pangkapaligiran ang nararanasan
ngayon ng mga tao dahil sa pagkasira ng kalikasan?
5. Naniniwala kaba sa kasabihang ”Mas malupit ang hagupit ng kalikasan pag
ito ay gumanti sa atin”? Patunayan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.