1. Panuto: Pakinggan at unawain nang mabuti ang mga aralin sa Florante at Laura mula saknong 1-83 na makikita
sa alinmang aklat ng Florante at Laura.
2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Panuto: Punan ang sumusunod na kahon ng pinakamahalagang pangyayari mula sa mga nabasa
napakinggang mga saknong ng Florante at Laura. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.
Para kay Selya:
Sa Babasa Nito:
Ang Pag-ibig kay Flerida:
Hinagpis ni Florante:
Alaala ni Laura:
Answers & Comments
Answer:
PARA KAY SELYA
Ang pag-ibig at kabiguan ni Balagtas na naging daan ng kaniyang pag-aalay ng kaniyang tula kay Selya na kinilala niyang si M.A.R.
SA BABASA NITO
Tinuruan ni Balagtas ang kaniyang mga mambabasa kung paano babasahin at uunawain ang kaniyang akda
SAKNONG 1-25 (HINAGPIS NI FLORANTE)..
Sa loob ng isang madilim na gubat maririnig ang mga daing at panambitan ni Florante na puno ng kapaitan tungkol sa nangyari sa kaniyang bayan at sa kaniyang buhay.
SAKNONG 26-68 (ALA-ALA NI LAURA)..
Ang pag-ibig ni Florante kay Laura at ang alaaala ni Laura ang tanging nagbibigay lakas sa nanghihina ng si Florante ngunit ito rin ang lubos na nagbibgay pasakit sa kanya.
SAKNONG 69-83 (ANG PAG-IBIG KAY FLERIDA)
Ang pag-ibig ni Aladin kay Flerida ay siya ring
nagpapakasakit sa kaniya
lalo pa’t ang kaniyang ama ay ang kaniyang kaagaw.