Ako’y Batang Masunurin
Ni: Alona D. Diestro

Ako ay masunurin sa aming bahay,
Sinusunod utos ni nanay at tatay.
Sa nakatatanda ay nakikinig din,
Isinasapuso pangaral sa akin.
Sumusunod ako sa mga tuntunin,
Maging sa bahay o sa paaralan rin.
Payo’t paalala, mahalagang sundin,
Upang maiwasan mga suliranin.
Utos ng Diyos, magulang ay mahalin,
Nararapat na sila’y alalahanin
Upang tayo’y lubos na pagpapalain
Buhay natin ,lalo pang pahahabain.

2

Ilapat Natin
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang binanggit na sinusunod ng bata sa tula?
A. ate at kuya
B. mga kalaro
C. nanay at tatay

2. Ano ang ginagawa ng bata sa mga pangaral sa mga
magulang?
A.iniisip
B. isinasapuso
C.kinakalimutan
3. Ano-ano ang dapat sundin ng isang bata?
A. mga utos
B. mga payo at paalala
C. lahat ng nabanggit
4. Bakit kailangan nating mahalin at sundin ang ating
A.upang tayo ay sumikat
B. upang tayo ay lumusog
C.upang tayo ay pagpalain

5. Ano ang paksa o pangunahing kaisipan na binanggit
sa tula?
A.ako ay matapat.
B. ako ay masunurin.
C.ako ay magalang.?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.