Ako at ang Aking Bayan
Mahal ko ang aking bayan. Tahanan ito ng mapagpalang kamay na
kumukupkop at nagpalaki sa akin. Dito ako lumaki at nagkaisip. Ang
magagandang pangarap ay ditto ko binuo.
Ang kanyang mahahabang hilera ng mga bundok ay sagana sa
malalaking punongkahoy at magagandang orkids na pambihira sa buong
mundo. Tahanan ito ng waling-waling na tila dito lamang makikita sa aking
bayan. Ang Matataas na Bundok Apo ay tinitirhan ng pinakamalaking agila sa
mundo. Kung ako ay nalulungkot tinatanaw ko ang kanyang luntiang lupain
at ang dagat na kay lawak at kay lalim at nakasusumpong ako ng katahimikan
at kapayapaan ng kalooban.
Hindi ko maipagpapalit ang aking bayan anuman ang ganda at laki
ng bansang dayuhan. Maliit man ang aking bayan, dito ko natatagpuan ang
katahimikan ng aking buhay. Hindi ko hinahabol ang bilis na takbo ng araw.
Hawak ko ang oras sa aking paggawa. May matatakbuhan ako sa oras ng
aking pangangailangan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.