A.direction : carefully examine a statement of the changes in the materials identify whether such changes in the materials are useful or harmful to the environment by putting a check mark on the paper column
sagutin ng maayos kapalit sa brainliest
ung green po useful side at ung blue po harmful side
Answers & Comments
Answer:
B. Nais nitong magbigay ng mungkahi. D. Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa
FILIPINO
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT -2
Pangalan: _________________________________ Baitang Lima/ Pangkat; ______________________
Guro :____________________________________ Petsa: _________________________________
I - Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”
Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung
hindi mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya,
si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan
na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahihirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.
“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na
kaibigan ng dalagita
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang
taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.
“Hindi lang isang beses sa isang taon pumapasyal sila Stella at Bea . Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea
sa kaibigan.
Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong
manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na
mga regalo. Habang nakasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na
dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
“Alam ninyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at
lumaki tayo kasama ang pamilya natin. Sila, doon na bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala ng ama at
ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila sa mga magulang nila,”
pagpapaliwanag ni Stella.
Hindi naka pagsalita sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila
lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.
“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang
kinukwento ang mga naging karanasan niya.
Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting tao
na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.
Simula ng narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa
kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa
karanasan ng kanyang ina.
1.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?_______________________________
2. Ilarawan ang pamumuhay nina Stella._________________________________
3. Bakit hindi siya katulad ng mga ibang anak-mayaman?__________________
4. Saan sila madalas magpunta?_______________________________________
5. Sino-sino ang kanyang mga kasama?___________________________________
6. Kailan niya inaya sa Marga Hera ang mga kaibigan?_______________________
7. Ano ang ipinagtataka ng kanyang mga kaibigan?__________________________
8. Paano sila tumutulong sa mga nasa ampunan?___________________________
9. Bakit kaya siya malapit sa mga bata sa ampunan? _________________________
10. Ano ang natutunan ng kanyang mga kaibigan kay Stella? _______________
II - Ibigay ang iyong maikling OPINYON sa mga sumusunod na isyu.
• Ano ang masasabi mo sa kasalukuyang sitwasyon sa Covid 19? __________________
• Sa iyong palagay, dapat na bang magklase nang face to face? Bakit? ______________
• Ano para sa iyo ang solusyon sa madalas na pagbaha sa ating lugar? ______________
• Kung may pasok sa iskwela nang sama-sama sa silid-aralan, ano kaya ang iyong kalagayan sa
ngayon?_________
• Ipaliwanag ang iyong opinion tungkol sa mga nasalanta ng bagyo. _________
III - Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa Hanay A. Isulat ang letra
ng iyong sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
___1. Tama na! a. nakabibingi
___ 2. Sikat siya sa klase b. sintunado
___ 3. Boses-palaka si Manong kung kumanta. c. tumigil
___ 4. Huwag kang maniniwala sa sabi-sabi. d. kilala
___ 5. Nakakarindi ang ingay ng sigaw ng kapitbahay. e. tsismis
___ 6. Masarap pa rin ang lutong-bahay. f. galing sa ulan
___ 7. Laganap ang dilim kapag walang araw. g. gumagana
___ 8. Bukas’ ang ilaw sa kuwarto. h. kalat
___ 9. Bukas pa kami magtatanghal sa paaralan. i. niluto sa bahay
___ 10. Mag-ipon ka ng tubig-ulan. J. pagkatapos ang araw ngayon