Sa bawat pangako na binibitawan ay may katumbas pa rin itong kahalagahan.Maliit man ito o malaki ang iyong pangako,hindi ito dapat kalimutan.Ika nga ng mga matatanda,huwag mong yakapin ang puno kung hindi mag aabot ang iyong mga kamay.Ganon rin sa pagbibitaw ng pangako.Huwag kang mangangako kung hindi mo naman ito kayang tuparin.
Upang maiwasan na mapahiya o matawag na iresponsable ay matuto kang humingi nang paumanhin at magpaliwanag kung bakit hindi mo matutupad o natupad ang iyong pangakong binitawan. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili mo pa rin ang ang magandang samahan sa taong iyong napangakuan.Dahil dito hindi masisira ang tiwala ng kapwa sa iyo.
Answers & Comments
Answer: