Questions


October 2022 1 10 Report
Abril 27, 2020
Ang araw na ito ay espesyal. Ito kasi ang araw ng aking
pagsilang. Ang araw na ipinagpapasalamat ko sa Panginoon dahil
binigyan niya ako ng buhay. Kaya naman, naging ugali ko na ang
magsimba tuwing sasapit ang araw na ito.
Dati rati, maaga palang, abalang-abala na ang nanay ko sa
paghahanda ng iba't ibang masasarap na putahe. Dati rati, mag-
iimbita ako ng mga kaklase ko sa hapon upang ipagdiwang ang
mahalagang araw na ito.
Subalit ngayon, ikalabing-isang taon ng aking pagsilang,
ibang-iba sa araw na nakasanayan ko. Walang bisita, walang
masasarap na pagkain at wala ang mga kaibigan ko. Bagama't
nagpasalamat ako sa Panginoon sa biyaya ng buhay na ibinigay niya.
sa akin, di pa rin ito kompleto dahil hindi ako nakapasok sa
simbahan dahil bawal akong lumabas.
Nang dahil sa pandemyang dulot ng Covid 19, naiba ang
pagdiriwang sa araw na ito. Gayunpaman, nais ko pa ring batiin ang
aking sarili-Maligayang kaarawan Ana-sa akin...
Melinda Lourdes C. Amoyo,
Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII
Mga tanong
1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
2. Bakit espesyal ang araw na iyon?
3. Ano ang ipinagkaiba ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa taong ito
sa mga nakaraang pagdiriwang?
4. Paano naiba ang pagdiwang ng kaarawan niya ngayon sa kaarawan
niya noon?
5. Anong naramdaman mo habang binabasa ang ikatlong talata? Bakit?






please I need your help guys hindi ko pa tapos module ko bukas na ipapass tapos may online class pa ako mamaya ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.