A. Tukuyin kung ang nakasalungguhit na bahagi ng pangungusap ay simuno o panaguri 1. Si Wasana ay isang batang bayani. 2. Humahanga ako sa kanyang tapang na nakapagligtas sa mga kamag-aral. 3. Ang kabayanihan ay walang pinipiling edad. 4. Si Virginia Rojo ay limang taon lang nang makapagligtas ng kapatid. 5. Naging matapang siya at hindi basta nagpatalo sa takot. 6. Si Andres Bonifacio ay maagang naulila. 7. Panganay siya sa kanilang magkakapatid. 8. Ang mga kapatid niya ay binuhay niya sa pamamagitan ng pagtitinda. 9. Ang pamaypay na kawayan ay ipinagbili niya sa plasa. 10. Ang matatapang na Pilipino ay sumanib sa samahang ito.
Pa answer po
Correct answer=follow or Brainlest
Nonse=report
Answers & Comments
Answer:
1. Simuno - si Wasana
Panaguri - ay isang batang bayani
2. Simuno - ako
3. Simuno - ang kabayanihan
Panaguri - ay walang pinipiling edad
4. Simuno - Si Virginia Rojo
Panaguri - ay limang taon lang nang makapagligtas ng kapatid
5. Simuno - Siya
Panaguri - at hindi basta nagpatalo sa takot
6. Simuno - Si Andres Bonifacio
Panaguri - ay maagang naulila
7. Simuno - Siya
8. Simuno - Ang mga kapatid niya
Panaguri - ay binuhay niya sa pamamagitan ng pagtitinda
9. Simuno - Ang pamaypay
Panaguri - ay ipinagbili niya sa plasa
10. Simuno - Ang matatapang na Pilipino
Panaguri - ay sumanib sa samahang ito
*Walang nasalungguhitan sa question kaya iyan yung simuno at panaguri, kayo na bahalang mag tingin if simuno or panaguri ba yung naka underline. Hope it helps ^^
Explanation:
Simuno - ito ang paksa o pinag-uusapan
Panaguri - ito ang naglalarawan sa simuno o paksa