A. Tukuyin ang PANGATNIG sa bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Kakain ka ba o matutulog na lang?
a. ka
b. ba
c. o
2. Isda at gulay ang ulam natin.
a. at
b. ang
c. natin
3. Mag-aral kang mabuti upang makapasa ka.
a. upang
b. mabuti
c. ka
4. May sakit siya kaya hindi pumasok.
a. may
b. kaya
c. hindi
5. Sasama ako sa inyo kapag hindi uulan.
a. ako
b. inyo
c. kapag
6. Ako ay pupunta sa party ngunit hindi tuloy.
a. party
b. ngunit
c. hindi
7. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa pabrika habang ang inay ay naglalaba.
a. ama
b. ina
c. habang
8. Siya ay napagalitan dahil sa katigasan ng ulo.
a. dahil
b. siya
c. ulo
9. Ako ay maghuhugas ng pinggan kung ikaw ay magwawalis.
a. ako
b. ikaw
c. kung
10. Ikaw ay magpakatino upang hindi na magkagulo
a. upang
b. hindi
c. ikaw
Answers & Comments
Answer:
1. C.
2. A.
3. A.
4.B.
5. C.
6.B.
7. C.
8. A.
9. C.
10. A.
Explanation:
Ang mga pangatnig ay ang nagdudugtog sa dalawang salaysay