Questions


December 2022 1 0 Report
A. PAUNANG PAGTATAYA Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na bilang. Para sa bilang 1-4. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na letra ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Mga Pagpipilian: A. Pag-iwas B. Pananahimik C. Pagtitimping pandiwa (mental reservation) D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan 1. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin. 2. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito. 3. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan. 4. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman. Para sa bilang 5-8. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na letra ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Mga Pagpipilian: A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili para maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao 5. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli. 6. Ipinatatawag ang magulang ni Joey dahil sa paglabag sa isang panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na kanyang magulang. 7. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng mga ito. 8. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan. Gawain 2 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap na nasa Hanay A. Isulat sa Hanay B ang maaaring maging bunga ng hindi pagiging matapat. Hanay A Hanay B 1. 1. Pagkuha ng mga bagay na hindi naman sa iyo. 2. Pagpapaalam na gagawa ng proyekto, ngunit 2. namasyal lamang sa mall. 3. Pagkopya ng sagot mula sa mga kamag-aral. 3. 4. Pagdadagdag sa itinakdang presyo, halimbawa sa proyekto na 200 ay ginawang 250. 4. 5. Pagsasabi ng mga kuwento na walang katotohanan. 5.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.