A Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag. Isulat kung sumasang-ayon o sumasalungat ka sa mga ito at ipahayag ang iyong pangangatwiran gamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat Gawin ito sa isang buong papel. Halimbawa Mainam ang paggamit ng dinamita sa pangingisda. Sumasalungat ako sa paggamit ng dinamita sa pangingisda sapagkat delikado ito at maaaring mamatay ang mga maliliit na isda. Sagot
1. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin.
2.Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon.
3. Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa.
4. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki.
5. Daig ng maagap ang masipag. 6.Kahirapan ang pangunahing dahilan ng karahasan
7. Ang taong walang isang salita ay walang kredibilidad .
8. Hindi uunlad ang buhay ng taong walang edukasyon o hindi nakapag-aral.
Answers & Comments
Answer:
1. Sumasalungat ako, dahil hindi naman mahirap humingi ng tawad lalo na kung talagang nagka-sala ka sa isang tao.
2. Sumasang-ayon ako, dahil bilang isang tao natural na may mga ibat ibang relihiyon tulad ng muslim at iba pa.
3. Sumasalungat ako, maaaring ito ay dahilan kung bakit nagbabago ang ugali ng isang tao, ngunit huwag nating lahatin. Dahil may mga kaibigang nagdudulot ng mabuting impluwensya. At nakadepende lang iyan sa tao, sa kung gaano katibay ang paninindigan nito at sa kung ano ang tunay na hangarin nito.
4. Sumasang-ayon ako, dapat lang magkaroon ng pantay na karapatan ang isang babae at lalaki.
5. Sumasalungat ako, di hamak na daig ng pagiging maagap ang kasipagan. Isang katotohang mahirap man makita at masukat, kusang lumalabas at lumalabas pa rin hindi man natin ipakita.
6. Sumasang-ayon ako, dahil sa kahirapan maraming tao ang nakakagawa ng krimen, nanakit at nanakot sila ng mga tao upang makahuthut ng pera
7. Sumasang-ayon ako, ang taong walang isang salita ay nangangahulugan na hindi nian kayang tuparin o isabuhay ang mga salitang kanyang binibitawan.
8. Sumasalungat ako, depende kasi kung ang isang taong walang edukasyon pero marunong sa mga gawaing bahay, pagpipinta, pakikipagusap sa ibang tao at umayos ng mga bagay-bagay ay maari niyang mabuhay ang kanyang sarili sa tulong ng mga ito pero hindi ngalang ganun ka gara ang kanyang buhay pero may nakakain ka sa pang araw-araw at isa galing ito sa kabutihan hindi sa kasamaan.
Explanation:
HOPE IT HELPS ^^