A. Panuto: Suriin ang mahalagang pangyayaring inilahad sa ibaba. Lagyan ng tsek (✔) ang kahon kung ang kaisipan ay bahagi ng ating binasa at ng ekis (X) naman kung hindi.
1. Mas gusgustuhin pa ni Florante na mamatay kaysa sa makita niyang nasa piling ng iba ang babaeng kanyang iniibig.
2. Nawalan ng malay si Florante dahil sa paghihirap ng kalooban.
3. Hindi maikakailang ang kagandahan ni Laura’y malapit sa tukso.
4 .Tanging hiling lamang ni Florante ay ang makitang muli si Laura.
5. Naniniwala si Florante na tunay ang pagmamahal ni Laura sa kanya.
6. Labis ang paghihinayang ni Florante dahil sa hindi niya magawang ipaglaban si Laura kay Adolfo.
7. Ang akala ni Florante’y pinagtaksilan siya ni Laura.
8. Ipinagkakaloob na ni Florante si Laura kay Adolfo dahil sa alam niyang malapit na siyang mamatay.
tulong pls (nonsense-report)
Answers & Comments
Panuto
Suriin ang mahalagang pangyayaring inilahad sa ibaba. Lagyan ng tsek ang kahon kung ang kaisipan ay bahagi ng akdang binasa at ekis naman kung hindi.
✔ 1. Mas gugustuhin pa ni Florante na mamatay kaysa sa makita niyang nasa piling ng iba ang babaeng kaniyang iniibig.
✘ 2. Nawalan ng malay si Florante dahil sa paghihirap ng kalooban.
❝ Si Florante ay nawalan ng malay dahil sa pagod at init ng panahon sa gitna ng kagubatan kung saan siya ay nakatali sa isang puno at pinagmamasdan ng mga Tigre na tila siya'y gagawing pagkain.
✔ 3. Hindi maikakailang ang kagandahan ni Laura'y malapit sa tukso.
✔ 4. Tanging hiling lamang ni Florante ay ang makitang muli sa Laura.
✔ 5. Naniniwala si Florante na tunay ang pagmamahal sa kaniya ni Laura.
✔ 6. Labis ang paghihinayang ni Florante dahil hindi niya naipaglaban si Laura kay Adolfo.
✔ 7. Ang akala ni Florante'y pinagtaksilan siya ni Laura.
✘ 8. Ipinagkaloob na ni Florante si Laura kay Adolfo dahil sa alam niyang malapit na siyang mamatay.
❝ Hindi ipinagkaloob ni Florante si Laura ng tuluyan kay Adolfo.