A. PANUTO: Salungguhitan salita o ang mga salita sa pangungusap na kasingkahulugan
ng salitang nasa loob ng kahon.
1. Pinagsusumikapang maipatupad ng mga kasapi ng Kagawaran ng
Edukasyong mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral.
2. Sa halip na gumamit ng corporal punishment, ang mga guro ay inaatasang
gumamit ng iba pang paraang higit na makahuhubog sa disiplina ng mga
mag-aaral.
3. Ang pamahalaan ay patuloy na nag-iisip ng mga programang makatutulong
upang mapangalagaan ang mga karapatan ng mga bata o kabataan.
4. Bawat isa ay may tungkuling pangalagaan ang karapatan ng mga bata o
kabataan sa bansa.
5. Ang paggalang sa kanilang mga karapatan ang pangunahing magagawa
ng bawat isa.