A. Panuto: Kumpletuhin o tapusin ang mga pangungusap na nasa ibaba ayon sa iyong
naunawaan tungkol sa birtud at pagpapahalaga.
1. Ang paulit ulit na pagsasabuhay ng mabuting gawi ay maaring maging
_____________.
2. Ako ay may mga pinahahalagahang _____________________.
3. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ang makapagpapaunlad sa aking buhay
ay_________.
4. Naniniwala ako na ang pagpapahalaga at birtud ay_______________________.
5. Alam kong sa kabila ng pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan, mainam na
pairalin ang ________________________ upang _______________________.
B. Sagutan ang tanong sa bawat aytem.
1. Ano ang kailangan mong gawin upang mahubog ang birtud sa iyong sarili?
2. Naniniwala ka ba na lahat ng tao ay mayroong pagpapahalaga? Pangatwiranan ang
iyong sagot?
3. Paano mo nasusubukan ang birtud at pagpapahalaga ng isang tao? Magbigay ng
pangalan ng limang kakilala mo na nakapagbabahagi sayo ng pagsasabuhay ng
pagpapahalaga at birtud. Maikling ilarawan ang bawat isa.
4. Sakaling may pagkukulang ang isang indibidwal, at sa bandang huli ay napagtanto
niya ito, bakit kailangan mo siyang pagbigyan ng pagkakataon?
5. Kung ikaw ay matagumpay na sa larangan ng mabuting kilos o gawa at
pagpapahalaga, paano mo ito ibabahagi sa iba?
Answers & Comments
Answer:
A.
1.Ang pagulit-ulit ng pagsasabuhay ng mabuting gawi ay maaaring maging daan upang tayo'y maging isang mabuting halimbawa sa iba.
2.Ako ay may mga pinahahalagahang mga bagay na dapat na ingatan.
3. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ang makapagpapaunlad sa aking buhay
ay ang pagsasabuhay ng aking natutuhan tungkol sa birtud at pagpapahalaga.
4.Naniniwala ako na ang pagpapahalaga at birtud ay mabuti at dapat na ikapit ng bawat isa sa atin.
5. Alam kong sa kabila ng pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan, mainam na
pairalin ang ating pagtitiis upang ating malampasan ang pandemyang ito.
B.
1.Ano ang kailangan mong gawin upang mahubog ang birtud sa iyong sarili? pag-aralan itong mabuti at isabuhay.
2.Naniniwala ka ba na lahat ng tao ay mayroong pagpapahalaga? Pangatwiranan ang
iyong sagot? Lahat ng tao ay may pagpapahalaga dahil lahat tayo ay may iba't-ibang pinapahalagahan sa ating buhay.
3.Paano mo nasusubukan ang birtud at pagpapahalaga ng isang tao? Magbigay ng
pangalan ng limang kakilala mo na nakapagbabahagi sayo ng pagsasabuhay ng
pagpapahalaga at birtud. Maikling ilarawan ang bawat isa. kayo napo ang sumagot dito.
4.Sakaling may pagkukulang ang isang indibidwal, at sa bandang huli ay napagtanto
niya ito, bakit kailangan mo siyang pagbigyan ng pagkakataon? dahil walang taong perpekto kaya lahat tayo ay nagkakamali kaya dapat lang na ang bawat tao ay bigyan ng pagkakataon.
5.Kung ikaw ay matagumpay na sa larangan ng mabuting kilos o gawa at
pagpapahalaga, paano mo ito ibabahagi sa iba? ipapakita ko sa kanila ang mga paggawing aking napagtagumpayan upang maging halimbawa ito sa kanila.