Questions


August 2022 1 2 Report
A. Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Humanda sa mga gawaing nakaabang sa mga sumusunod na pahina. Buwan ng Wica ni Clarissa V. Sayon Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto bawat taon. Ngayong 2019, ang paksa ng Buwan ng Wika ay "Wikang Katutubo: Tungo Sa Isang Bansang Filipino." Ika-2 ng Agosto, 2019 nang ipinagdiwang ng Violeta Integrated School ang. Buwan ng Wika sa Violeta Open Court. Nagkaroon ito ng panimulang palatuntunan.

Ito ang unang linggo ng buwan. Ang lahat ng mga guro ay aktibong nagsidalo ipagdiwang ang araw ng ating pambansang wika. Ipinakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang suporta at pagmamahal sa wika. Kabilang din sa mga dumalo ang mga mag-aaral mula sekundarya, elementarya at kindergarten na bibong-bibo sa pagpapakita ng paggalang sa wika. Sinimulan ang programa sa panalangin at pagawit ng pambansang awit.

Pinangunahan nina Bb. Clarrisa V. Sayon, Gng. Janice E. Jimiera at Bb. Ruth Macaroncio, bilang mga guro ng palatuntunan. Ipinakilala nila ang iba't ibang makabagong salita na naidagdag sa ating bokabularyo taon-taon sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya o imbensyon na kasalukuyang naaayon sa ating panahon.

Ika-5 ng Agosto, nagkaroon ng Poster Making Contest. Ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang sa elementarya, ikapitong hanggang ikasampung baitang sa sekundarya.

Ika-12 ng Agosto, nagkaroon ng deklamasyon mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang sa elementarya at sa sekundarya naman mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang.

Ika-19 ng Agosto, idinaos ang Manuel L. Quezon Look-A-Like. Dito ipinakita ang galing sa pagrampa sa entablado at talino ng mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang talumpati.

Ika-26 ng Agosto, nagkaroon ng pangwakas na gawain. Dito ipinakita ng mga mag-aaral kung paano nila ipaliwanag ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsulat. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkorona sa mga Binibini ng Wika 2019.

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito. Hindi lamang ito sinalihan ng mga mag-aaral at mga guro kundi naging aktibo rin ang mga magulang. Ang lahat ay nakiisa upang maisakatuparan at maabot ang ganap na kamalayan na mahalin at pahalagahan ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino,

C. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Lagom o buod: ___

Nonsense: REPORT
DO NOT ANSWER IF YOU DONT KNOW​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.